Thank you for calling Technical Support my name is Keith, can I have your domain name or the account number please...
Yan lang dati ang spiel ko... By next week, madadagdagan na depende kung saang VDN pumasok ang tawag... and it goes a little something like this...
Thank you for calling VIP customer care, my name is Keith, can I have the domain name or the account number you are calling about... (tinatype ko palang parang nakaka-hingal na).
Ayus sana to, dagdag VDN, dagdag sweldo. Pero hindi eh. Annual salary increase ko nga eh tumataginting na 250 pesos every month. Kamusta naman yun?! Parang sinabi nilang pwede na akong mag-order sa Starbuck's ng isang Venti na Vanilla Frappe at isang Oreo Cheesecake once a month.
Sa ngayon, Technical Support Agent ako. Sa Tech Support, hawak namin ang Web Hosting, SSL, Ecommerce at itong bagong Build-My-Mobi pati narin yung mga sablay na transfer ng Tier One na dapat eh kaya na nilang ayusin sa kanila palang. Nag-process din ako ng Tier One Storefronts, Hosting SRs at pati na yung sakit sa ulo na Ecommerce SRs. Meron din side job na pag-gawa ng commendation na ayaw ko ng gawin dahil nakaka-tamad pero gagawa na ulit ako simula next week.
At eto ang masakit, napasama na naman ako sa listahan ng mga agents para magtraining para sa VIP. Hassle. Ayoko nun, dahil dagdag intindihin na naman yun para sa akin pagdating sa pag-aalaga ng stats lalo na ngayong binago na nila ang metrics at parang gusto na nilang paduguin ang ilong naming mga agents.
Kung ikaw ay kabilang sa account ko, alam ng lahat ng tao kung gaano kahirap maka-benta kung TSS ka. Dati, 10% lang and conversion na required, ngayon, 15% na. Kung malas ka at hindi ka nag-paprocess ng kahit ano, malamang, hindi mo makuha yung 15%. Dinagdag pa sa metrics ang revenue, kelangan ng TSS na makabenta ng at least $115/sale para makakuha ng outstanding na rating. Yung "PR" na pinaka-murang product eh napakahirap ng ibenta ano pa kaya yung mga mahal na product diba? Sa AHT naman before, basta mababa ka sa 11:30, panalo na ang AHT mo. Ngayon, dapat at least 9:30 and AHT para makakuha ka ng Outstanding at kapag 9:29 and nakuha mo, Needs Improvement ang rating mo. Anlabo. Sa totoo lang at hindi sa pagyayabang, marami sa TSS ang nakakahit ng mas mababa pa sa 9:30 na AHT. Ako mismo, ang average AHT ko ay 8:00.
Ganito na ngayong ang pag-compute ng Productivity Rating sa TSS, 50%(AHT)+25%(Conversion)+25%(Revenue)=Productivity Rating. Parang sinabi na nilang kung hindi ka umabot sa $115 revenue at 15% conversion, good bye ka na sa 50% ng productivity mo. At kung minalas ka pa at bumaba ka ng ilang segundo sa AHT mo, good bye ka na sa 50% ulit. Ang bagsak mo, kangkungan.
Ginawa daw ang bagong metrics para masiguro na lahat ng agents ay nag-aupsell. Sige, andon na ako, pero hindi mo dapat bawasan ang stats ang agent na sadyang mabilis maghandle ng call. Paano kung mababa ang AHT ng isang agent pero 100% sya sa QA? Parang sinabi mong balewala na rin yung effors nung agent na pababain ang AHT at pagsunod sa Quality Profile.
Sabi nga, ang kliyente daw ay gustong maging "One-Stop-Shop", maganda sana kung kaya nilang siguruhing walang matinding problema sa mga produkto nila. Sa loob ng isang linggo, hindi na nawalan ng problema ang mga produkto. Simula sa kabagalan ng server, sa mga SPF, TXT at Reverse DNS na hindi pwedeng gawin kaya hindi matapos tapos ang Spoofing sa email subscribers nila. Sa mga down na server, password protect error sa windows based hosting packages, pag-submit daw sa "100" na search engine pero sa katotohanan, konti pa yata sa kinse and pinag-sasubmitan. Kung maisasaayos lang sana ang serbisyo at produkto ng kliyente, makakakuha sila ng maayos at madaming customer at kikita sila ng malaki at sa ganitong paraan, magaganahan ang mga agents at paniguradong masasapul na ang mga target.
Kung magbibigay sila ng magandang "Incentive Program" para sa mga malakas bumenta bukod dun sa nakaka-iritang mukha ng isang boksingero na nasa harap ng PC mo na wala pang isang libo ang makukuha mo kung sakaling masapul mo ang target.
Wala akong galit sa kahit na sino na nasa itaas. Ang katotohanan nyan, lahat sila ay tinuturing kong mga kaibigan at katrabaho. Asar lang ako sa sistema.
Sana bago lumala ang problema sa sistema at bago pa tayo magaya sa ibang account ay maayos na ito.
At kung totoo man ang balita na ang mga "New-Hire" ay may monthly gross salary na 18k, magtayo na tayo ng union dahil ako na mahigit isang taon na sa kompanya eh ang monthly gross salary ko base sa akong Certificate of Employment eh 15,250.00 pesos. Kung 18k nga talaga ang gross salary na nasa kontrata ng mga "New-Hires" aba... Magwala na tayong lahat! Lalo na yung mas matagal ng nagtatrabaho sa kompanya!
Kung meron man sa OPs na maka-basa nito. Peace tayo. ;p
Currently listening to: Michael Buble - Save the last dance...
Currently feeling: Feeling Tibak lang