Ang buhay ng tao...
.. ay parang Algebra. Ang simpleng equation ay nagiging komplikado dahil sa dami ng variables na dapat mong isipin. Akala mo madaling mabigyan ng sagot ang isang problema dahil alam mong pwede ka dumaan sa isang short-cut pero and hindi mo alam, dapat kang umikot ng malayo o gumamit ng mahabang equation para makuha ang sagot.
Sasakit ang ulo mo kakaisip kung paano mo magagawang makita sila X at Y. Parang buhay pag-ibig, ako si X, nakita ko na si Y pero di parin magtagpo. Pwede kasing si X ay isang even number at si Y ay isang odd number. Gustuhin man natin na gumamit ng calculator para mapabilis, hindi pwede, dahil bawal sabi ng proctor. Bawal daw madaliin para makasigurado kung sakaling magkita na si X at Y.
Minsan naman, parang Geometry ang buhay ng tao. Kahit anong pilit mong gawing right angle ang buhay mo, madalas, acute angle ang kinakalabasan. Madalas kelangan mo mag-bend backwards, negative 45 degrees nga kumbaga para lang makasabay ka sa agos ng buhay.
Pwede din natin sabihin na ang buhay ay parang Trigonometry. Kahit na sayo na ang Trigonometric Table, kahit na hahanapin mo nalang ang sagot, di mo parin magawa dahil tinatamad ka or ayaw mo lang hanapin. Minsan nasa harap mo ang taong para sayo, di mo parin napapansin. Nagbubulag bulagan ka dahil ayaw mong makumpleto ang buhay mo dahil masyado kang maraming hinahanap.
*Wag nyo masyadong pansinin tong sinulat kong ito... Madami lang gumugulo sa isip ko ngayon.
Currently watching: NatGeo - Long Way Down
Currently feeling: blank
Posted by kitongzki at 09:37 PM | 8 Slashed me...
phunatik (guest)
ayoko ng math.
oks lng yan chong simpleng plas maynoos lng tau lagi.. =)
kitongzki

hundun (guest)
kitongzki

parang si X, mahirap lumugar kay Y dahil hindi alam ni X kung ano ba talaga sya kay Y.
Parang keyboard, si U at si I ay magkatabi... Hindi ba pwede na ganon din tayo sa tunay na buhay... hahaha... just some random thoughts...
princesza

kitongzki

princesza

kitongzki
