November 27th, 2008

Tapos na...

... ang maliligayang araw!

Babalik na ako sa trabaho bukas matapos ang labing-apat na araw na bakasyon.

Madaming pangyayari sa buhay ko sa naka-lipas na labing-apat na araw.

Naka-punta na ako sa Ilocandia. Eto na yata ang pinaka-malupit kong bakasyon simula nung nabuhay ako. Napaka-saya sa Pagudpud at nagawa namin pag-haluin ang trabaho sa laro. Isa na yata ang Ilocos sa matatawag kong paraiso ng mga litratista. Sa dami ba naman ng pwede mong puntahan dun hindi ka mauubusan ng pwede mong litratuhan. Kumain ako ng curacha, bagnet, sinanglao, longganisa at empanada. Grabe sa sarap ang pagkain dun sa lugar na yun.

Nakita ko ng harapan ang windmills sa bayan ng Bangui at isa lang masasabi ko, malaki. Isang patunay na kaya natin gumawa ng isang sustainable source ng enerhiya.

Nakita ko ang Sinking Bell Tower ng Laoag. Sayang lang kasi napaka-daming kable ng kuryente at ng kung anu-ano ang nasa harap nito. Sana alisin yun. Dahil masakit sa mata ang makita yung ganon.

Nakita ko at naamoy ko si Pareng Ferds sa kanyang huling hantungan (nga ba...). Sa totoo lang, di ko alam kung si Pareng Ferds nga yung naka-higa dun sa malamig at mabahong kwarto na yun sa Batac.

Napuntahan ko ang simbahan ng Paoay. Napaka-ganda ng simbahan na yun. Kahit saang angulo mo tignan, napaka-galing ng pagkaka-gawa at ilang siglo na yata ang nakalipas nung ginawa yun.

Namasyal kami sa Vigan sakay ng isang kalesa. Dinaanan namin ang simbahan kung saan pinatay ang ama ni Bing Bong Crisologo. Dinalaw namin ang Bantay Bell Tower kung saan daw tumalon si FPJ. Dinaanan namin ang bahay kung saan pinanganak si Padre Burgos ng GOMBURZA na ang unang pumasok sa utak ko ay si Padre Damaso kaya napa-isip ako kung tunay na tao ba si Padre Damaso. Napanood din namin kung paano gawin ang mga paso at habang ginagawa yung paso, habang ginagamitan ng kamay ang pag-korte ng paso ay tumutugtog sa isipan ko ang Unchained Melody. Nakita din namin ang isang napaka-gandang hardin sa Vigan. Namasyal din kami sa Baluarte ni Kumpareng Chavit at nakita ko ang kanyang mga naglalakihang tigre at iba't ibang hayup. Lumakad kami sa kilalang Calle Crisologo at walang humpay ang pagkuha ng litrato.

Matapos yun, umuwi na kami. Sa mismong araw na yun naranasan kong magmaneho ng anim o pitong oras. Masayang roadtrip kahit na muntik akong ma-aksidente dahil sa lintek na motorsiklo. Pero salamat na rin at nakarating kami ng Maynila ng ligtas. Salamat sa Cobra Energy Drink dahil nanatili akong gising habang nag-mamaneho.

Nag-punta din ako sa likod ng MOA at ni-litratuhan ang pag-lubog ng araw. Isa sa pinaka-masayang araw ko yun.

Nag-birthday sa bahay at nag-mukmok sa kwarto. Nag-hapunan kasama ang pamillya at ilang kaibigan ng tatay ko.

Uminom sa bahay ng kaibigan ko.

Nag-street shoot kasama ang pinsan ko at kanyang boyfriend.

Uminom sa bahay ko kasama ang ilang kaibigan ko.

Tumambay sa bahay ng lola ko.

Sinamahan ko ang isang kaibigan sa Noel Bazaar para bumili ng regalo para sa pasko. Siya lang ang bumili, nag-tiis ako para maka-tipid.

Ayan yung mga ginawa ko habang naka-bakasyon ako. Bukas, balik na sa trabaho. Tapos na ang maliligayang araw. 

Posted by kitongzki at 09:34 AM | 2 Slashed me...

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



ed (guest)

Comment posted on November 27th, 2008 at 11:18 AM
astig 'no men... sarap bumalik dun... as in...

happy birthday pala sa 'yo
Comment posted on November 27th, 2008 at 11:31 AM
master ed! salamat!
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links