Entries for December, 2008

December 6th, 2008

Ang hiling ko para sa Pasko...

Nakuha ko na ang dalawa sa mga inaasam kong bagay. Ang laptop (Dell Inspiron ) at ang DSLR (Canon 450D). Ano pa ba naman ang mahihiling ko? Aba syempre naman, meron pa. Eto na at basahin niyo at baka sakaling bigyan kayo ng liwanag ng Diyos at gamitin nya kayong kasangkapan para tuparin ang mga kahilingan ko ngayon Pasko.

1. Canon 50mm F1.8 Prime Lens.

 


2. Sigma 28-300mm F3.5-6.3 DG Macro.


3. Sigma 15mm F2.8 EX DG DIAGONAL Fisheye.


4. Sigma 8mm F3.5 EX DG Circular Fisheye.


5. Sigma Wide Multi-Coated Circular Polarizing Filter.


6. canon BG-E5 Battery Grip.


7. Canon Speedlite 580ex II


8. DSLR/Laptop Bag (Lowepro or any decent brand).


9. Leica M8 (Mahal pa ito sa buhay ko).


10. Isang malupit na photography tour sa Palawan or Camiguin/CDO.

Yan yung matitinding hiling ko na alam ko naman na walang tao na nasa matinong pag-iisip ang mag-reregalo sa akin. Kaya gagawin ko nalang ang nararapat at umpisahan ko na ang mag-ipon.

Eto naman ang mga simpleng hiling ko.

1. Bagong brief.
2. Bagong medyas.
3. Bagong panyo.
4. T-shirt na related sa photography or yung mga Affliction at TapOut.
5. Polo shirt.
6. Swiss knife dahil hindi ko na makita ang swiss knife ko.
7. Wallet dahil sira na ang wallet ko.
8. Tropicana Orange Juice or Del Monte Pineapple juice.
9. Hungarian Sausage or lambchops.
10. Spinach Lasagna sa Bouon Giorno.

Meron din naman akong hiling na para sa akin nalang siguro at hindi ko na ibabahagi pa sa inyo. Hehe... Sikretong malupit!

Ano pa ginagawa niyo?! Bili na! :D

Posted by kitongzki at 05:19 PM | 7 Pixelated

December 9th, 2008

Anong klaseng tao ka sa buhay ko?!

May mga taong hindi mo namang inaasahang makilala. Mga taong parang kabute na bigla na lamang lilitaw sa isang chapter ng buhay natin. May taong magiging kontra-bida at may tao din naman na magiging kasangga mo at may tao din na magkakaroon ng puwang sa puso mo at meron din namang mga taong makikilala mo na wala naman kahit katiting na impact sa buhay mo.

Talakayin natin yung mga taong dumadating sa buhay natin para maging kontra-bida. Eto yung mga tipo ng taong may ugali ni Romy Diaz. Yung tipong kapag nakikita mo itong tao na to eh dalawang bagay lang ang pwede mangyari sayo, pwedeng kumulo ang dugo mo sa galit o di naman kaya, manginig ka sa takot dahil super kontra-bida ang aura nitong taong ito na parang si Odette Khan na kaaway ng kaibigan ko sa tunay na buhay dahil kapitbahay niya ito at madalas mabwiset sa amin kapag umiinom kami. Ito din naman yung klase ng tao na pwedeng maka-inspire sayo para pag-butihin pa ang mga ginagawa mo sa buhay mo para maipakita mo sa taong ito na hindi ka niya kayang tibagin. Ang motto mo sa mga ganitong klaseng tao ay "Ang bumangga, giba!".

Tapos ito namang isang klase ng tao na maari nating makilala, yung mga taong nagiging kasangga natin. Mga partners in crime kumbaga. Madami ako niyan. Ito yung mga taong makakasama mo sa hirap at ginhawa. Mga taong hindi ka iiwan sa ere kahit ano pa mangyari. Mga taong pagtatakpan ang lahat ng kalokohan mo. Mga taong ituturing mong kapatid. Mga taong hindi mo kakayanin mawala sa buhay mo. Ito yung klase ng tao na sobrang lakas ng impact sa buhay mo at kahit na ba maputi na ang buhok mo at may tama na ang atay at baga mo eh andyan parin sila.Sila na yung maituturing mo na parang mga kapatid mo. Ayus diba. Solid!

Ito na ang pinaka-malupit, yung mga taong nagkaroon ng puwang sa puso mo o kung makikilala mo palang ay yung posibleng magkaroon ng puwang sa puso mo. Ito yung mga taong di mo naman talaga hiniling na makilala. Bigla bigla nalang susulpot na parang kabuteng nabasa ng ulan. Ito yung mga taong parang walis dahil "they sweep you off your feet". Mga taong parang mapa kasi "you're lost without them". Ito yung mga taong parang walang pagod dahil "they keep on running on your mind". Ito yung taong magagawa mo na lahat ng kabaduyan sa mundo para lang mapasaya siya. Ito yung mga taong kulang nalang mag-triple backflip ka with quad twist at pag-landing mo ay naka headstand ka para mapansin ka lang niya. Ito yung mga taong sobrang ma-inspire ka para sipagin ka sa pag-aaral o di naman kaya ay sa trabaho. Ito din yung mga taon pwedeng maka-sira sayo dahil tatamarin ka pumasok para lang makasama mo itong taong ito. Ito yung taong mahirap kalimutan kung sakali man at hindi ka palaring magpa-sakal, ah este, magpa-kasal dito sa taong ito. Ito yung taong, in simple words, mahal mo pa sa buhay mo.

Ito naman, yung mga taong walang impact sa buhay mo. Mga taong imbisibol lang. Yung makikilala mo na parang hi-hello lang at parang walang katuturan kausap. Ito yung klase ng tao na wala akong masabi tungkol sa kanila dahil nga wala silang impact. Hahaha...

Posted by kitongzki at 10:58 PM | 4 Pixelated

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links